Newsie #24 : 6 September 2000
CAMIGUIN ADVENTURE
July 24 : I flew in to Cagayan de Oro.
July 25 : Nasa Camiguin ako.
Got back here in Manila last August 5.
Practically, naikot ko talaga iyon island. I've been from one end to the other and I've got pictures to prove it!!! Kaso baka di pa mailagay dito dahil di pa kami nagkikita ulit ng web designer ko.
Anyways, I've been to most of their tourist destinations like the Gui-ob Church Ruins, Ardent Hot Springs, Sto. Niņo Cold Springs, Tuasan Falls, at iba pang di ko na maalala.
Nag-dive din ako doon sa kanilang Sunken Cemetery---sorry, walang sementeryo sa ilalim ng tubig kasi tinubuan na ng corals. Pero, dati siyang sementeryo noong panahon ng Kastila bago pumutok ang Mt. Hibok-Hibok. Kasama iyon Gui-ob Church Ruins na tinabunan.
Pati iyon Old Volcano na site nag-dive din ako. May nakita pa nga kaming pawikan (sea turtle)!
Climbed Mt. Hibok-Hibok on August 3, all the while I was asking myself what in heaven's name I was doing and what kind of pleasure I was supposed to derive from it. I don't know if it added another point on my character building block, well, sana...
...nabawasan na ang pagiging cry baby ko at nadagdagan pa sana ako ng tapang.
...napahaba pa ang tolerance ko for pain.
...I got slimmer and a lot stronger (pero sa nakikita ko parang di pa rin ako nabawasan ng taba).
At sana, di naman nabuwisit sa akin iyon mga kasama ko habang umiikot sa Camiguin dahil medyo masungit at di na ako kumikibo masyado (except to occassionally smile) towards the end of my trip. Pagod na rin kaming lahat at from Monday to Thursday wala kaming ginawa kundi maglakad.
Oo nga pala, ganda ng tuktok ng Mt. Hibok-Hibok at may tundra siya! Now, that's not an everyday occurence.
Now that I'm back again in Manila, reality seeped in. Wala pa nga pala pa rin akong trabaho. By the time I finished the report for Camiguin, wala na naman akong gagawin.
September 6 : That's what I thought---noong natapos ko na rin sa wakas iyon paper about a week or two weeks ago heto naman ako nag-iikot sa Banahaw, San Pablo City, bukas sa Taal then next week with students from my alma matter, St. Bridget School, sa Majayjay!
The adventure never ends!!! Pulos gala ang ginagawa ko ngayon. Thank God I'm enjoying it!!!
|